Minsan, naiisip ko, bakit tila napakatalino at napakamalikhain ng mga tao noon? Mula sa wala, natuklasan nila kung paano gumawa ng apoy, pagyamanin ang kanilang kabuhayan sa pamamagitan ng agrikultura, lumikha ng baybayin at makipagkalakalan. Ang mga sinaunang tao, tulad ng mga Griyego at taga-Mesopotamia ang nagpasimula ng maraming pag-aaral at pagsasaliksik tulad ng pilosopiya, agham, sipnayan at sining, maging ang pagtatalaga ng mga batas. Dahil sa mga henyong ito, natatamasa natin ngayon ang ginhawang dulot ng teknolohiya, kuryente at transportasyon. Dahil sa kanila, hindi na rin natin kailangan pang maghanap ng kaalaman - halos isinusubo na sa atin ito sa mga paaralan, minsan pa nga'y sa sobrang dami ng impormasyon, tayo'y nabibigatan na.
Noong Martes, pumasok na naman ito sa aking isipan. "Isda sa Kilawkilaw/ Di mahuli't may pataw." Paano nilang naisip ilarawan ang dila nang ganito? Ang husay. Sobrang husay. (Ang naisip kong sagot ay buhok, kaso kung ito ang sagot ay hindi malaki ang saklaw nito. Babae lamang ang may karaniwang mahabang buhok at mahahabang buhok lamang ang "magalaw" na para sa akin ay nais iparating ng "Kilawkilaw.") Kaso, hanggang ngayon nama'y maraming dalubhasa sa kani-kanilang larangan. Maaari bang talagang naging mapurol na ang isipan ng aming henerasyon kaya't nahihirapan kaming umintindi ng ganitong klaseng paglalarawan? Para sa akin, oo. Tunay na mga henyo ang mga sinaunang tao, ngunit kaya natin silang pantayan - iyon nga lang, tila nahihimbing ang ating mga isip. Nasanay tayo sa lantarang pagbibigay ng impormasyon at tila nakalimutan ang saya sa pagtuklas ng mga ito. Istagnante ang ating isip. Sa halip na patuloy mag-isip, ito'y iniipis.
Ang pangit isipin at ang hirap aminin pero kakaunti ang kilala kong tunay na sumusuri sa kanilang mga natatanggap na impormasyon. Ako ma'y ganoon rin. Ngunit ninanais kong magbago, at sisimulan ko iyon sa pagtanggap na ako'y kulang, at kailangan kong magbago. Ayon nga kay Socrates, mas maganda na aminin mo sa sarili na "alam mong hindi mo alam" para hindi ka magmarunong at iyong pagkukulang na iyon ang tumulka sa iyong tuklasin ang kung anumang hindi mo alam.
Ang walang tugma, walang sukat at halos walang lalim na tulang ito ang aking nalikha dahil dito.

PALAIPISAN
Bugtong, bugtong,
Mahirap na tanong,
Malabong sagot.
Paano naging hari
Ang sampayang puro sipit?
Gawin ba namang palay
Bumbilyang nakasindi?
Isipin kung ito'y gagamitin
Sa ating gawain.
"Buksan mo ang palay,
Madilim na kasi" o
"Patuyuin mo ang damit,
Sa hari mo isabit."
Ang labo, 'di ba.
Bugtong, bugtong,
Nakalilitong totoo.
Ano ba 'to?!
Ano raw? Isa pa. Teka. Ang hirap. Sandali. Ulit?
Sirit.
Ano?!
Bakit?!
...Mananatili itong isang palaisipan.
Narinig mo na ba ang tsismis sa kabila? Oo, iyon!
Hindi makakailang tunay ito sa maraming kabataan - mas ninanais nilang mag-usap sa wala halos kabuluhan na mga bagay. Hindi naman sa masamang aliwin ang sarili, ngunit ang itulak palayo o ang tumakas sa pagkakataong matuto at umintindi at ang hayaang manatiling palaisipan ang isang bagay na maaring may makitang sagot kung sana'y bibigyan lamang ng panahon at pagsisikap ay hindi dapat. Hindi ko ito sinasabi dahil "kabataan ang pag-asa ng bayan" o dahil "edukasyon at kaalaman lamang ang iyong maibabaon hanggang kamatayan" ngunit dahil SAYANG. Sayang. Totoo naman ang naunang dalawang dahilan ngunit kung hindi mo nais magsaliksik o paganahin ang isip para sa mga ito, gawin mo na lang ito dahil sayang. Malay mo, ikaw pala ay may kakayahang palalimin ang mga kaalamang ito! Laging may posibilidad na ang iyong mga iniisip o kahit nararamdaman sa isang bagay, abstrakto man o hindi, posible man o hindi, ay makagagawa ng panibagong sangay ng larangang ito. Maaring makagawa ka ng isang obra maestra mula rito!
Kung aabuti't hahawakan lamang natin ang pagkakataon, alam kong makagagawa tayo ng isang mas magandang mundo, mas maunlad na bansa, at mas mahusay na "tayo."
Simulan natin ngayon.
Muli, isang mainam na pagmumuni-muni nang may paglalaro sa salita. Binibigyan kita ng +1 na letter grade para rito.
ReplyDelete