Sunday, June 17, 2012

A4 ka nang 4, hindi naman sakto sa baso




 4. Pour. Ako na corny.

Sa lahat ng maaari kong mapansin sa syllabus, ang papel pa mismo ang napagdiskitahan ko. Kasi naman, buong buhay ko, lagi na lang short bond paper ang pinapagamit (maliban na lamang kapag art - sa oslo 'yon, hindi ba?). Tapos, bigla na lamang magbabago. Panahon na ng A4.


 Hindi itong A4 na ito. Pero mas maganda sana kung ito.


 Ito! Pero mas gusto ko 'yung Audi A4.

Kakaiba ang A4, lalo na sa paningin ng isang taong halos hindi pa ito nagagamit sa buong buhay niya, katulad ko. Para bang ginupit ang mahabang gilid ng short bond paper at idinikit sa maiksing gilid nito. Sa makatuwid, slightly taller and sexier version ng short bond paper ang A4.

Mula short bond paper, naging A4.

Pero bakit ba kailangang mag-A4? Marahil ito ang tanong ng mga Atenista. Ano ba ang mayroon ang A4 na wala sa short bond paper, at sa iba pang papel na ito ang napili bilang standard ng unibersidad? Ano ang pinagkaiba nilang lahat, maliban sa sukat ng mga ito? Hindi ba puwedeng, sabihin nating, long bond paper ang gamitin, dahil mas malaki ito at mas maraming mailalagay! Isipin mo kung ang takdang-aralin  mo ay sampung pahina na papel tungkol sa basurahan. Hindi double-spaced, at ang font ay Calibri, size 9.

Pamagat: Ang Epiko ng Basurahan. Ikaw na ang Homer ng ika-21 siglo.

Maliban sa katamaran, ano pa kaya ang dahilan kung bakit hindi long bond paper ang napili, at A4 ang the one? Kung katamaran lang naman ang basehan, bakit hindi post-it na lang? Madikit pa! Kumbaga, bakit ang A4 ang Neo sa matrix ng mga papel?

Kung sana ganito rin ang itsura ng A4. Game.

Marahil mas magandang magsimula sa pagkilala sa A4. Ano nga ba ang A4? Saan ito nagsimula, at sino ang napakagaling na nag-imbento ng sukat ng A4? Pero, ang boring naman kung ganoon. Kaya kilalanin natin ang A4 sa pamamagitan ng mga knock, knock jokes! Kahit na wala naman talaga silang kinalaman sa pinanggalingan ng A4.

BABALA: Ang mga sumusunod na biro ay kasing-corny ng pamagat ng blog na ito. Ito ay Rated PG ng pseudo-quasi-faux-MTRCB (alam ko pong hindi ito salita) sa sobrang corny.

A: Knock, knock.
B: Who's there?
A: A4!
B: A4 who?


A: That you're the only one for me. A4, repeat steps one through three. (Back at One ni Brian McKnight)
 Ikaw na ang magaling. Ikaw na. <3


...paumanhin. Alam kong pilit. Subalit, may apat pa akong back-up A4 knock, knock jokes na mangto-torture magpapatawa sa inyo!


(Back-up 1) A: Three words, A4 you! (1234 ng Plain White T's)

Ang pange- Sabihin na lamang nating kakaiba ang music video na ito.

Alam kong hindi kayo natawa. Ako rin e. Susunod!


(Back-up 2) A: A, A, A, A, me plus you... (One Time ni Justin Bieber)

HAHAHAHA. Hindi ko nakayang lumampas ng isang minuto sa video na ito.

Siguro naman, kahit hindi kayo natawa sa joke ko, natawa kayo sa video. O baka sumakit lamang ang ulo ninyo. Paumanhin.


(Back-up 3) A: A4! Sean Kingston... (Beautiful Girls ni Sean Kingston)

 Ang pogi ni Sean Kingston. Seryoso.

 Uy, nakakatawa na 'to ha! Hindi na gaano kahalatang pilit. Haha. Heto ang huli!

(Back-up 4) A: Soft kitty, warm kitty, little ball A4. (Soft Kitty... sa The Big Bang Theory)

Pagsasalin: Malambot na pusa, mainit na pusa, maliit na bilog ng balahibo.

Matagal kong pinag-isipan 'yan ha!

Kung akala ninyong walang kaugnayan ang mga knock, knock jokes ko sa A4, parehas tayo. Joke. Sa totoo lang, mahirap makita ang koneksyon, ngunit mayroon talaga. Promise. Swear. Kapag nakita ninyo, hindi kayo makakapaniwa- Teka. Tama na nga ang pagpapatumpik-tumpik. Nagmumukhang pinapaniwala ko na lamang ang sarili kong may koneksyon talaga e. Na totoo naman.

Nabasa ko dati na ang A4 ang standard paper ng ibang bansa (hindi kasama ang Amerika). Dahil daw ito sa napakagandang ratio ng A4. Bata pa ako noong binasa ko ito kaya hindi ko naintindihan kung anong kinalaman ng ratio sa papel. Ngunit tama naman ang naaalala ko, ayon sa Wikipedia. Kalahatiin mo man ang A4, hindi nagbabago ang ratio nito, kaya madali itong gamitin, lalo na sa mga copier machine. Kaya, bukod sa ito ang standard ng halos lahat ng bansa, may praktikal na dahilan din naman ang paggamit dito.

Pero bakit ba tila takot na takot tayo sa pagbabago? O, sa kasong ito, bakit ba gulat na gulat at buwisit ako sa pagbabago ng standard ng papel sa Ateneo? Papel pa lamang ito. Paano pa kaya kung mas malaking bagay pa ang nagbago? Sa mga maliliit na bagay na ito nasasalamin ang ugali nating mga Filipino. Ang dahilan sa aking pagkagulat at kakaunting pagkadismaya sa pagbabagong ito ay maaring dahilan din ng pananatiling sarado ng isipan ng ating mga pinuno sa isyu ng divorce, same-sex marriage at premarital sex.

Dahil ito ay nakasanayan na.

Tama bang dahilan ito sa pagpigil sa pagbabago?

Ano ang mangyayari sa atin kung hindi tayo magbabago? Lalo na kung mayroon namang magagandang dahilan ang kabilang panig, ang "bago," ang taliwas sa nakasanayan?

Hindi tayo makakausad. Dahil hindi tayo makawala sa nakasanayan, hindi natin magawang sumulong. Hindi naman sa sinasabi kong dapat iwanan ang nakasanayan, ngunit dapat manatili tayong obhetibo at huwag hayaang ang "paglingon" sa nakaraan ay maging full-time. Huwag tayong magbabad sa nakaraan. Nabubuhay man tayo dahil sa nakaraan, nabubuhay tayo sa ngayon, at para sa kinabukasan. Mas cool sigurong sabihin sa Ingles: We may live because of the past, but we are living in the present, and for the future. 

Kung magpupumilit akong gumamit ng short bond paper kahit A4 ang kailangan, siguro matatawa o mabubuwisit ka lamang sa akin. Ngunit kung mas malalaking isyu na ito, kunwari, kakain ako ng tao kasi Mayan ako noong past life ko at sanay ako doon. Kaya kakainin kita. Siguro naman hindi ka na matatawa, lalo na pag tinali na kita sa mesa at sinumulan ko na ang ritwal. Lalo na kapag kinakain na kita. Ibig sabihin, ang pagsunod sa mga nakatakda, standards man o etiquette, lalo na ang batas, ay kailangan.

Paano kung hipster ka, o rebel ka, dahil cool 'yun?

...bahala ka. HAHA.

Pero siguro, alam mo naman sa sarili mong hindi magandang dahilan iyon, hindi ba? Egocentrism iyan, pare (at mare! Baka sabihing sexist ako e). Hindi umiikot sa iyo ang mundo. Hindi puwedeng kung ano ang gusto mo, iyon ang puwede, at kung ano ang ayaw mo, iyon ay hindi puwede. Hindi lang po ikaw ang tao rito. At hindi lamang ang opinyon mo ang mahalaga. Democratic country po tayo, kuya (at ate!). At kahit hindi, respeto na lamang po. Lahat tayo ay may karapatang magsalita at mapakinggan, hindi lamang ang iyong sarili, okay? Try mo gumawa ng time machine at doon ka sa panahon ng monarchies o dynasties. Good luck na nga lang sa 'yo, kasi kahit makapunta ka doon, hindi naman ikaw ang namumuno doon.

Sa makatuwid, dahil sa A4, napaisip ako sa kahalagahan ng pagsunod at sa pagkakulong nating mga Filipino sa mga nakasanayan.

Maraming salamat, A4.

At dahil diyan, use A4 in a sentence!

Sentence 1:
A: Uy, may bagong labas na iPhone ah!
B: Hay. Hindi naman ako makakabili niyan.
A: Bakit naman?
B: A4 lang ako eh.

Sentence 2:
A: Ang galing naman ni Jessica Sanchez! Sobrang talented niya!
B: Hindi lang naman talent ang kailangan para maging successful, pare (o mare).
A: Ano pa? Looks, connections, suwerte?
B: A4t pa pare (o mare), kailangan ng maraming A4t.


Sentence 3:
Ang buong seksyon B ay bibigyan ni G. Samar ng A4 Fil14. Sana.

HAHA. Joke lang po.

At dahil natuwa ako sa A4, heto ang kantang Harana ng Parokya ni Edgar. Pinalitan ko ang lyrics para sa A4. Ipagpaumanhin sana ito ng Parokya ni Edgar. Hindi ko naman sinasadyang sirain ang kanta...

 Aww.

Uso na ba'ng A4 paper?
Marahil ikaw ay nagtataka.
Ano ba 'tong mukhang gagong
Pinapayat na short bond paper?
Pinahaba lamang ng kaunti.

Meron naman d'yang ibang sukat.
Bakit hindi na lang index card?
'To'y maiksi lang di katulad
Ng legal size o ng letter size.
'Yun nga lang mas maayos ang A4 sa copier.

(Chorus)
Puno'ng mundo ng kung ano-
Anong sukat, uri ng papel.
Sa 'yong tingin, ano ang dapat gamitin?
Anong ipapampili mo,
Katamaran o iyong
Nakasanayan kesa iyong dapat?
So in short, mag-A4 paper... tayong lahat.

*Hindi po ako nakainom habang ginagawa ko ito. Hindi rin po ako naka-drugs. Talagang... ganito lamang po ako. Paumanhin.




Last na, dahil umuulan! Use H4 in a sentence! (H4 naman para maiba)
Huwag mong kalimutan ang iyong payong! H4-ing outside.

...paumanhin. Paalam!










Adele Claire, “A4 Copier Paper,” Flickr image, http://www.flickr.com/photos/adeleclaire/6797397805/ (accessed June 17, 2012).

Anathemata, “Writing,” Flickr image, http://www.flickr.com/photos/anathemata/36017856/ (accessed June 17, 2012).

exfordy, “Audi Quattro A4,” Flickr image, http://www.flickr.com/photos/exfordy/2674348013/ (accessed June 17, 2012).

hayley199607. "Justin Bieber- One Time Official Video Slowed Down." YouTube. Online video clip, http://www.youtube.com/watch?v=9D74Ye_Var0 (accessed 17 June 2012).

islandbuoy22. "Brian McKnight - Back At One alternate arrangement." YouTube. Online video clip,
http://www.youtube.com/watch?v=xZQOUdHrD7o(accessed 17 June 2012).

jackiebese, “Before and after weight loss surgery,” Flickr image, http://www.flickr.com/photos/jackiebese/5182903344/ (accessed June 17, 2012).

OPMmusics. "Parokya Ni Edgar - Harana (official music video)." YouTube. Online video clip, http://www.youtube.com/watch?v=RrNZqBu7q78 (accessed 17 June 2012).

seankingstonVEVO. "Sean Kingston - Beautiful Girls." YouTube. Online video clip, http://www.youtube.com/watch?v=MrTz5xjmso4 (accessed 17 June 2012).

Sergio Romiti, “Pouring Water 1,” Flickr image, http://www.flickr.com/photos/sergioromiti/6946415813/ (accessed June 17, 2012).

sithuseo, "Keanu Reeves Wallpaper,” Flickr image, http://www.flickr.com/photos/46808649@N07/4875064883/ (accessed June 17, 2012).

thebigbangtheory. "The Big Bang Theory - Soft Kitty." YouTube. Online video clip, http://www.youtube.com/watch?v=sIp77PUvLTE (accessed 17 June 2012).

2 comments:

  1. Talagang pinahahanga mo ako, Char. Katangi-tanging pagmunian ang isang detalye sa silabus na hindi karaniwang pinapansin ng marami at ipinagpapalagay na basta nariyan. At hindi rin matatawaran ang siste! Ibig ko ang kapasidad na maging self-reflexive (ang kakornihan ng sariling mga hirit); ang mga bahaging may erasure/censorship ng sariling pag-iisip, subalit iniiwan ang bakas para sa pagsipat ng mambabasa; ang paglalangkap ng katakot-takot na media (video, larawan, at iba pa na kongkretong tanda ng paglalaan ng panahon para rito; salamat din sa pagpapaalala sa akin ng pagmamahal ko sa Plain White T's!), at ang paglalagay ng pinagkuhanan ng mga teksto.

    May ilan lang maliit na puna. Kailangan mong dagdagan ng i- ang ilang pandiwa (ipinapagamit, ipinagkaiba), at pangngalang hiram (koneksiyon). Iwasan din ang pag-uulit ng maramihan ("mga maliliit"). Alalahanin din na "roon" at hindi "doon" kung patinig ang huling tunog sa sinusundang salita.

    Subalit hindi binabawasan ng mga ito ang hindi matatawarang pagsusumikap at kahusayan sa entry, na naitawid ang isang pagbabago sa hinihinging size ng papel kaugnay sa isyu ng tradisyon at istandardisasyon. Ipagpatuloy ang ganitong kalidad ng pag-iisip at pagkatha. (Subalit huwag ding mahuhulog sa bitag ng pareho't paulit-ulit na estilo!). Binibigyan kita ng isang markang pagtaas sa pakikilahok sa klase para rito. Ipagpatuloy!

    ReplyDelete
  2. Salamat po, sir!

    Mukhang kailangan ko pong basahin ulit ang Gabay sa Ispeling. Haha! Salamat po ulit!

    ReplyDelete